With the theme, “Paglaot, Pagdaong: UP Diliman Christmas Celebration 2018,” colleges and institutes across the university celebrated the Christmas season. This year’s theme pays homage to the university’s graduates pursuing scholarly and advocacy works in the country. It also celebrates the 70th anniversary of the transfer of the oblation from UP Manila to UP Diliman.
The UP College of Education (UPCEd), the UP Integrated School (UPIS) and National Institute of Science and Mathematics for Education Development (NISMED), joined the parade with its huge paper boat lantern. In this sea of life, the tri-unit’s huge paper boat lantern symbolizes the dreams of Filipino children, going wherever the waves take them. UPCEd, UPIS, and NISMED steer the paper boat guiding the Filipino youth to turn their dreams into realities. The accompanying write-up about the lantern says it all:
Sa loob ng isang siglo nang pamamahagi sa mga pangangailangan ng sambayanang Pilipino, ang UP College of Education, ang UP Integrated School, at ang UP National Institute for Science and Mathematics Education Development (UP NISMED) ay naging maningning na tanglaw at gabay sa maraming henerasyon ng mag-aaral at guro. Ang UP College of Education ngayon ay kinikilalang Center of Excellence in Teacher Education; hinahawan nito ang landas at nililinang ang parang upang patatagin at hasain ang kanyang mga nagsipagtapos na harapin ang marahas at maalon na karagatan ng edukasyon sa Pilipinas. Pinagkalooban ng UPIS ang kanyang bunying nagsipagtapos ng kanilang kakailanganin upang masuyod at mapaghandaan ang maraming posibilidad at hamon sa hinaharap. Ang NISMED ay sumusuporta sa paglawak at pag-unlad sa pagtuturo ng siyensiya at matematika bilang propesyon, pumalaot ng buong sigla at determinasyon sa ika-21 siglo.
Ang mga pangarap ng kabataang Filipino ay mistulang mga bangkang papel lamang na tinatangay kung saan dalhin ng agos ng kapalaran. Tungkuling gagampanan ng UPCED, UPIS, at ng UP NISMED na makamtan ng ating kabataan ang kanilang mga pangarap na maging realidad – ang marating ang pinakamahusay na antas na maaari silang maging.
Pag-asa ng bayan, kayo ay dumaong na. Mga kaibigan, halina at batiin natin ang UPCEd, UPIS, at UP NISMED!